Ang Bagong C'sFocus
The New CsFocus in Filipino OK, some is Taglish)
Anong Ginagawa Ko?
26.8.07
Wow! Ganon na katagal?
August 26 na! Ganon na katagal mula sa huling post ko? Sorry. Sobrang daming distractions ang nangyari kaya di ako maka-update. Meron akong isang main blog at isang tumblelog, so nahahati ang oras ko sa pag-update.
Ang bago sa blogger ngayon ay video upload. Subukan kong gamitin kaya kailangan ko pang hanapin kung nasaan ang mga videos na kinuha ko. At dapat i-edit. Isa na namang project na nakapila ;)
Ok. Hanggang sa muli!
1.8.07
Exciting ang araw ko ngayon
Exciting ang araw ko ngayon. Sumali ako sa 30-day challenge ni Ed Dale at ang dami kong natutunan. Actually, natututunan. Dati di ko lang pinapansin ang mga add-on sa Firefox. Pati nga Firefox, kung di lang sa sister ko di ko gagamitin. Ngayon love ko na ang Firefox.
Ok, balik sa 30-Day Challenge. Isa sa mga exciting na natutunan ko ay Facebook. Sa una parang isa lang syang "social" site, walang ganang gamitin, di ko maintindihan kung ano ang bago. Pero habang gingagamit ko sya, nag-iiba ang pananaw ko. Di pala sya karaniwang "social" sige. Lalo akong humanga nang mapanood ko ang keynote video CEO ng Facebook! Wow! Dapat panoorin nyo to believe.
Labels: 30 day challenge, ed dale, facebook, firefox
20.7.07
Nasaan si Harry?
Harry Potter ngayong gabi. Marami nang nagaabang sa paglabas ng bagong Harry Potter. Kahit sa TV at sa news nababalita na sa bookstore ngayong gabi marami ang pipila para bumili.
Ako, nag pre-order online sa Amazon at ang shipping nya at 3 o 4 na araw. So nag-order ako ng Jul 16, bukas dapat madeliver na sa akin. Di na ako magpupuyat para maghintay ng libro pag gising ko sa umaga, maghihintay na lang ako ng delivery.
Sarap talaga ng online shopping at delivery!
Labels: amazon, deathly hallows, harry potter, jk rowling
2.6.07
IMG00324.jpg
image/jpeg
--
Ito ang una kong entry para subukan ang mobile blogging at di ko sya mapagana. So sinubukan kong magpadala ng post sa email ko papunta dito sa blog pero eto and nag-post. Mukhang di ako pwedeng mag-photo blog dito sa blogger pag gamit ko ang regular email.
Subukan ko ulit.
Sponsored Links
Philippines Google News
Mga Tatak
- 30 day challenge (1)
- amazon (1)
- blog (1)
- deathly hallows (1)
- ed dale (1)
- facebook (1)
- filipino (1)
- firefox (1)
- harry potter (1)
- jk rowling (1)
- mobile (1)
- photo (1)
- tagalog (1)
Recommended Readings
Archive sa Blog
- Agosto 2007 (5)
- Hulyo 2007 (1)
- Hunyo 2007 (1)